Text

Mahirap. Pero yun ang dapat. Maiintindihan mo rin kung bakit.

Text

Gago ako pero marunong din ako magseryoso. Mabait ako pero may limitasyon din ito. Maunawain ako pero may hangganan ang pasensya ko. Maintindihan mo sana ang pagtanggi ko. Ayokong um-oo lalo na pag hindi na ako sigurado. Basta tandaan mo, hindi ka mawawala dito. Malay natin, bukas paggising ko maging desido na ulit ako para sayo. Pasensya na. Nasaktan din ako. Nagmahal din kasi ako. 

Photo
Photo
the-absolute-best-posts:

makemestfu:
So relatable blog :)
Text

Tang ina! Ang lungkot lang. Kay rami ng mga nagsasagupaan na damdamin sa aking puso. Hindi na mawari ng aking isipan kung alin ang tama at nararapat. Sa mga panahon gaya nito, napakahirap ang magdesisyon para sa akin. Mahirap na, baka sa huli ako ay magsisi. Batid ko ang pagkaabnormal ng aking sistema sa mga ganitong eksena. Kung minsan nga ay pati ang aking pagkilos ay apektado sa ganitong pagkakataon. Ano ba itong aking mga hinanaing? Hanggang kailan ko ito papasanin? Hanggang kailan ko ito ikukubli? Hanggang kailan ko ililihim? Hanggang kailan ko sasarilihin? (Hindi ako bading. PAKYU! Uunahan na kita.) Natatakot akong magkamali…

Text

Kamusta na? Ilang buwan na ang nakalipas. Ang tagal nating hindi nagkita. Akala mo ba kinalimutan na kita? Wag ka nang malungkot dahil ako’y nagbabalik na.

Unang paskil ko yata ito simula nung pumasok sa sistema ko ang Tumblr. Ewan ko ba. Matagal na akong namamalagi dito subalit ni minsan yata e hindi ko nagawang magsulat o magpaskil ng ganito.

Tama na. Ang haba na. Masyado na akong madaldal. Nagpapansin lang naman ako. Nagsawa na yata akong magreblog at magpost ng mga larawan at kalokohan. Maiba naman. 

Photo Set
Photo
the-absolute-best-photography:


You have to follow this blog, it’s really awesome!
Photo
Photo